Share lng poh bka pwd umattend ung pwd s sun. importante poh yata to

Share lng poh bka pwd umattend ung pwd s sun. importante poh yata to...

PANAWAGAN PO SA LAHAT!

ANO: RIDERS ASSEMBLY MEETING

KAILAN: JANUARY 22, 2017 LINGGO

SAAN: MALOLOS SPORT & CONVENTION CENTER PARKING LOT

ORAS: 4:00 PM

HINGGIL SA: PROVINCIAL ORDINANCE RE: MODIFIED MUFFLER NA MAY KASAMANG KULONG.

Panawagan po ng Bulacan Motorcycle Riders Confederation sa lahat ng mga Grupo at individual sa loob at labas ng Bulacan na dumadaan at tumutungo sa bulacan.

Nakakagulat at nakakalungkot ang ganitong hakbang na ginawa ng pamahalaang panlalawigan ng bulacan. Dahil noong nagpatawag po sila ng public hearing sa kapitolyo bago pa mag Undas ay napagpasyahan ng committee ng transportasyon na kailangan pulungin ng main proponent na si Vice Gov. Daniel Fernando ang hanay ng mga riders dahil ang umatend lang sa pagdinig ay ang kanyang staff nasi Jerom ay di kayang magdisisyon at sumagot sa mga mungkahi at posisyon ng mga riders na dumalo. kayat naghihintay tayo na ipatawag tayong mga riders. pero ito na.

Binaliwala po tayo ng ating panlalawigang pamahalaan at bagkos ay inaprobahan ang ordenansa at pinakalat ito sa ibat ibang ahensya na walang pagsaalang alang sa magiging epekto nito.

Pinakita ng ating panlalawigang pamahalaan kung gaano sila ka galing gumawa ng patakaran na may kasama pang pagkakakulong at kung kani kanino inatang ang pagpapatupad nito. pati ang barangay ay inatasan din nila at sa ngayon barangay pa ang lumalabas na agresibo sa panghuhuli nadapat sana ay may sinusunod pa itong panahon para malaman ng nakararami ang ganitong patakaran.

LILINAWIN PO NAMIN:

Hindi tutol ang BMRF Confederation sa paggawa ng patakaran para desiplinahin ang nakakabulahaw na ingay ng tambutso. Subalit kailangan nitong isaalang alang ang mga pamamaraan paramatiyak at matukoy ang mga lumalabag. Dapat po ay maymalinaw na ginawang Implementing Rules & Regulation bilang malinaw na guidelines sa nasabing ordenansa.

Paano nila kinikilala ang maingay? Ang sinasabi ng Pandaigdigang batas at National. Dapat ay may panukat o Decebel metter at magtakda ng kaukulang maximum na ingay.

Dapat din sa mga itinalaga na magpapatupad nito ay maykaukulang kaalaman o dapat ay magkakaroon ng masusing pag aaral sa nilalaman ng batas na kanilang ipapatupad ng sa gayon ay maisakatuparan ang itinakdang layunin at wag itong makalikha pa ng karagdagang problema.

Sa tingin nyo po ba ay naisa alang alang po ba ito ng mga gumawa ng Provincial ordenance? Ano ba talaga ang kanilang tunay na pakay at pati pagpapakulong ay isinama pa?

Paki basa po ng maigi ang mga milalaman ng nasabing ordenansa at malaya po kayong paki komentuhan. Sanay sa linggo ay baunin natin ang ating mga mungkahi at posisyon para sa pangkalahatang pagtitipon.

Paki tulong narin po na ipakalat ang panawagang ito at sanay naunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng Panawagang ito.

Salamat po.

Robert Casiano Perillo

6 comments
  • Up...

  • up..

  • Up

  • Up

  • Up

  • Up