Total hindi naman ito ia approve sa MRO dito ko na lang i post

Total hindi naman ito ia-approve sa MRO, dito ko na lang i-post!

Sa Admin po nitong page(MRO). Ako po ay kasapi ng SMX Phil. sa maikling background, mula ng mabuo namin ang grupong ito hanggang sa kasalukuyan ay aktibo na kami sa paglahok sa mga panawagan ng MRO para sa ikabubuti ng mga motorista. Nangyari lang po na may isang insidente na nakunan ng video ni Sir Ayi Aquino ang isa naming chapter na naka-convoy at ipinost nya sa page na ito bilang halimbawa sa kung papaano ang tamang paggamit ng hazzard. Sa kabila ng pagtutol namin sa paraan ng pagpopost ng video bilang halimbawa pumayag kami sa request ni Sir Martin Misa na no further posting within 24 hours until maka-usap nya si Sir Ayi Aquino regarding his post. tapos na ang 24 hours at nagresume na ang pagpopost sa thread pero di pa nasasagot at nabibigyan sulusyon ang mga points namin kaugnay ng naka-post na video. nangyari pa'y parang walang nangyari at binubura ang lahat ng post namin kaugnay ng thread na un. Para po sa amin 1. paglabag sa pribadong buhay namin ang pagkuha ng video na wala kaming pahintulot at pagpopost nito sa isang social media.

2. ang video na na-post ay subject sa maraming interpretasyon at komentaryo at taliwas ito sa sinasabing layunin ng thread starter na para sa educational purposes. 3. may pagtutol na kami sa pagkakapost ng video at naka-abot na sa ibang admin, humingi sa amin ng 24 hrs at umalinsunod kami pero wala din naging aksyon at ang malala pa ay binubura ang lahat ng aming pagtutol sa thread na un. Maraming salamat po.

0 comments